Saturday, February 16, 2008

kuwento.....

i had a conversation with a friend yesterday, she was having a problem with her partner. i told her that i'm not the right person to give her advice since i, myself couldn't think of a good advice for my own. sabagay may mga tao talagang di nila hinihingi opinion mo, ang gusto lang nila eh yung may makikinig sakanila habang nagdadrama. akalain mong habang naliligo ako panay daldal niya kahit hindi ko maintindihan yung iba niyang sinasabe medyo nakakarelate naman ako. natawa ako sa unang banat niya, "MAHIRAP PALA DAW PAG ANG KALABAN MO SA MAHAL MO EH YUNG NAUNA SAYO?!". kung wala lang ako nun sa banyo malamang nakatanggap saken ng sapak yun, pano kasi pati ako napaisip sa sinabe niya. anyway sabe ko sakanya itigil niya panonood ng mga koreanovela para di pumapasok sakanya yung mga ganong tipong tanong sa utak niya. ang totoo wala talaga akong maibigay na advice sakanya kasi pati ako nagambala sa tanong niya. kelan lang nung badtrip ako dahil sa kakaiba kong panaginip, dahil dun nag-iba buong mood ng araw ko. minsan talaga pagtinatamaan ako ng toyo sa utak nakakagawa ako ng false move ng hindi nagiisip. in fairness that was my first time na nadiscover ko na marunong pala akong magselos, usually kasi wala naman akong pinagseselosan maybe because nasanay ako na lagi talaga akong napapansin kahit na hindi ako nagpapapansin. i told my friend na walang gamot sa sakit na tamang hinala kaya if i were her i'll put all my thoughts aside and think of something else na hindi makakadistract sa priorities niya. she told me kung makapagsalita daw ako parang wala daw akong iniisip, naknampotah!!!!! if she only knew what's been bother me malamang magkadramahan kame, obviously i don't have the courage to tell her everything kasi hindi ko talaga ugaling mag-share ng kung anu-ano. alam ko unfair yung ganong ugali kaso mas sanay ako na sinasarili ko yung mga bagay na alam kong hindi rin masosolusyunan ng ibang tao, makakadagdag lang ako sa palaisipan nila kaya it's much better na i'll keep it to myself nalang. di kami gaanong nakapag-diskusyon ng friend ko kasi we were really late na sa school kahit na hindi maganda pakiramdam ko pinilit ko parin pumasok. i wanted to help my friend, gusto ko siyang pigilan mag-isip ng mga bagay na nakakagulo sakanya, when we were already at the jeep i was shocked kasi she was already crying and i don't know what to do. inalok ko siya na wag na kameng pumasok kaso di siya pumayag napansin narin niya kasing di ako ok. nung nasa room na kame di niya talaga mapigilan umiyak. sa malas ko naman nakagawa ako ng eksena kasi biglang nagdilim paningin ko. buti nalang hindi gaanong hyper magturo yung prof namen. pinapunta ako sa clinic nung prof namen tapos sinama ko friend ko dun ko siya pinaiyak ng todo mailabas lang niya feelings niya. muka man kameng tanga sa clinic pinanindigan ko na pagiging magbest-friend namen. sinabe ko sakanya na ask her boyfriend personally kung ginagago na ba siya, i told her pa nga na kung gusto niya ako na magtanong since close ko naman yung boyfriend niya kaso ayaw niya nakakahiya daw saken baka ako pa daw unang makaalam na ginagago na siya. di siya gaanong makapagsalita kasi nga panay iyak niya, di ko na nga siya maintindihan eh bingi pa naman ako. sa sobrang tipid niyang magsalita biglang dumating sundo ko. sabe ko sakanya text niya ako. nung nasa sasakyan na ako, ako naman yung biglang napaisip? para di ako mapansin ng kuya at ate ko nagtulogtulugan nalang ako kunwari pero daming questions sa utak ko. gustong murahin ng matindi yung friend ko di ko lang magawa kasi problemado. sabagay magkaiba kame ng sitwasyon ng friend ko, di naman ako nakikipagkumpetensiya sa ex ng kambal ko eh! wala naman kasi akong laban sa nakaraan niya kaya mas mabuti pang manahimik nalang ako. sana lang di na ulit ako makaramdam ng selos kasi ayoko ng ganon.

No comments: