minsan naiinggit ako sa mga taong napakagaling mag-compose ng sulat. di kasi ako pinanganak na maging writer. pero nung highschool ako lagi akong nauutusan ng editor ng campus voice paper namen na gumawa ng article. para nga silang mga tanga nun eh kasi natutuwa daw sila lagi sa mga gingawa ko kasi parang makatotohanan daw yung mga gawa ko. di ko lam kung iniinsulto nila gawa ko o sadyang nagustuhan nila. lagi ko kasing ginagamit nun sa article ko yung mga kumag kong classmates. kinukwento ko sa buong school yung mga kalokohan namen sa loob ng classroom. minsan na kameng pinatawag sa guidance dahil sa pambubuking ko pero di na nila kame pinarusahan kasi wala naman silang evidence sa krimen na nagawa namen. kelan lang nung nabuklat ko ulit yung highschool album ko nung may bumisita saken dito sa bahay. habang tinitignan ko yung mga old pictures binubulong ko nalang sa sarili ko sana bata pa ako, tipong walang iniintindi kundi paglalaro chaka kung pano tatakasan yung pagkain sa table. hindi masyadong maganda yung childhood ko kasi sakitin ako, madalas lang ako sa bahay pagsinasali ako nina shax sa laro nila lagi akong saling-pusa. minsan pag may sakit ako sa loob lang ako ng bahay naglalaro tapos damay pa si shax kasi wala akong kalaro kaya obligado siyang sa bahay lang rin. pero kahit ganon ang buhay ko nung bata ako masasabi kong kakaiba ako sa lahat ng bata nung panahon ko kasi isang request ko lang nasaharap ko na yung gusto ko, kaya dati naniniwala ako sa magic kasi dati lahat parang automatic na nakukuha ko. habang tumatanda ako nagiiba narin daloy ng buhay ko, medyo marunong na ako mag-isip ng problema. lilinawin ko lang sa mga nagbabasa hindi po ako emo sadyang marami lang pong nilalaman ang utak at saloobin ko. hindi ko po pinagkakalat kung ano man yung mga gumagambala saken, sinusulat ko lang kung pano ba daloy ng buhay ng isang normal na tao. nung nasa bandang highschool ako napansin ko kagad na parami ng parami ang mga formula na kelangan imemorize. nakakasira ng ulo yung ganon diba? minsan may sira ulo akong kaibigan, tinanong sa teacher namen kung may formula ba daw ang buhay ng tao? kung pwede bang icalculate kung gaano katagal kayang itagal ng tao sa mundo. take note highschool palang kame ganon na kame mag-isip pero dinadaan nalang namen sa joke yung mga ganong bagay pag nagtatanong. biruin mo kung puwede mong icalculate buhay mo malamang ang saya nun, baka nga magyabang ka pa nun sa sobarng talino mo nabilang mo yun. kaya lang kaba abot mo pag ang resulta ng calculation mo eh oras nalang pala natitira sayo, saklap ng ganon diba?
kelan kaya ako makakagawa ng blog na matino? yung tipong may saysay naman hindi yung parang wala lang akong magawa sa harap ng computer. sana mamya may maisip akong ibang magandang topic na puwedeng itype para may magawa naman akong iba.